Monday, March 25, 2019

032519mon172146

Nag sleepover sila Mommy/Daddy dito sa apartment kagabi. Usual moves, check lahat ng gamit namin si Mommy, si Daddy check pinupuna ng pagkakagawa ng bahay. Hahaha.
Humingi ng NESTEA Milk Tea si Mommy kaninang umaga bago sila umuwi. Nakita nya sa pantry namin a.k.a. ibabaw ng ref. So I gave her a few, 3 pieces to be exact.
Just this afternoon, nagtimpla ako and messaged her via Viber.
Kring: Best served over ice. (+ photo of my glass)
Mommy: Yes, hindi ko pa natimpla. 2 pcs give ko each Tita Baby and Aisa
Haaay, super mapag bigay talaga nanay ko. Kahit sa mga simple bagay, palagi nya shine-share.
I want to give her the world. Ipapamigay nya pa din most likely.

something infiniteLy interesting

Tuesday, March 19, 2019

031919tue134618

I was doing fine at home, NOT eating sweets. Then I went to SM, BAM!!! In less than an hour = Krispy Kreme! Serenitea! May nalalaman pa kong 50% sweetness level. Girl! Pakatotoo lang tayo. 

Haayyy summer na naman kasi. Ang hirap umiwas. Yesterday, Adobo na lasang Paksiw ulam namin. Edi syempre dapat may partner na Coke! 

Try and try na lang ulit sa pag iwas. Pa moral support naman dyan! 


something infiniteLy interesting

Tuesday, March 12, 2019

It's March 2019 and About Time I Write My First Post For the Year

Ano ba ang pinaka ayos na comeback blogpost after being away for few months?
Ano pa, edi random thought vomit! Pero sige na nga, wait, I’ll try to gather my thoughts. 
  • Project CKGA
  • Wedding Day
  • Marriage
  • Honeymoon
  • Other random shit
Medyo mahirap mag blog pag madilim and gutom. Also, crap - na-turnoff ko yung touchpad ng laptop ko and I don't know how to turn it back on. 

Wala pagkain, so I guess, iinom ko nalang ng tubig 'tong hunger pangs. 

Okay, first topic, Project CKGA - nakaka underwhelm, yun na yon. 5 Posts? Well, I started late na rin kasi. Sabi nung ibang mga graduate, nakaka miss daw wedding preps. LOL, K girl. I still remember how exhausted I was nung mga final weeks before our wedding. As in, naiiyak na ko kasi gusto ko na matulog, but there's always something that needs to be finished. Medyo na cut short siguro "wedding high" namin kasi nag Christmas na, then New Year. Do I miss the preps? Sakto lang. A couple of friends who are preparing for their upcoming wedding had been asking. Enthusiastic naman ako sa pag share ng experience namin, but naghohold back din, coz kanya kanyang trip. Mas maganda ma-discover nila on their own; lam mo yun, I think disadvantage rin yon for me sa dami ng sinearch ko, may mga bagay na di naman na talaga kailangan, nakiki sabay lang ako. Off the top of my head - wedding wands! *rolls eyes hanggang sa makita ang brain* -- as in, bakit ko pa ba pinush pag bili ng materials non?! uh huh, di ko nagamit yung 10pcs na nagawa ko, kasi pangit na pangit ako, sa gawa ko. gaaaahh.. change topic!!!!!! 

Siguro, ang favorite kong part ng preps namin, and I should've made a separate post about this, is nung nag Discovery Weekend kami. Preapare for your marriage, not just the wedding. I've attended several retreats growing up; from highschool, and family retreat nung active pa sila Mommy and Daddy sa group nila. So medyo meron na 'kong idea on what could go on. For boss, it's somewhat new experience. Meron nung collge kami, but not sure what his take nun, or if he was really engaged ba sa mga retreat namin -- I think isa lang ang nasamahan nya? 
Itong activity siguro yung marerecommend ko sa lahat ng nagpprepare, kahit hindi Catholic. 

Wedding Day! I've decided to make a separate post na lang about this. kthx.

Marriage, ayan na. Nung kabataan ko. solid ang tingin ko sa marriage. Growing up, oblivious ako sa mga marital problems and broken family. Sa kinalakihang street ko kasi, "buo" mga family. Until I grew a bit, and someone close left her family. And nung tumatanda na, marami na nakilala, naging "not shocking" na for me, if someone was raised by a single parent. Kumbaga, alam ko na nangayari yon, but I said YES when he proposed. 
Sya kasi, we can never be sure about anything in this life, pero sya, I think sya yung katumbas nung SOLID na alam ko when I was younger. Hindi ko na nga namalayan kung kelan nangyari yun. 
Turning 3 months na kami as married couple. Pinag hahandaan ko parin yung winawarning nilang adjustment phase. Sabi nga sa isang topic nung DW, iba iba tayo ng Family of Origin, so baka akala ko ayos lang na ganito, sya pala hirap na. Sana lang, hindi sya yung nasa struggling side, kasi sobrang chill ko lang. Hindi ako nahihirapan - I mean, sana may exempted sa stage na yon, kung meron man, ako siguro - or too soon to tell? H'wag naman sana.

Honeymoon - yep, separate topic na lang rin

ORS - as in super duper random - photo dump here we go


huling book na natapos kong basahin, puro na naman ako Netflix!!  

love this view and mood from Starbucks EVIA 

 Our dear Lucas is already 8

Cocol with Mrs Tecson 

Tisoy got very sick and we had to take him to the vet, struggle, but buti naman, naka recover sya agad

gusto ko mag shopping ng sandamakmak sa Mandaue Foam!  

MANAM!!!!!! May branch na sa Alabang 


 Hanamaruken, sarap din!! 

Naiwan Instax nung trip to Maldives, umasa na lang sa mga epeks ng app

Sana 'di abutin ng 3 months before ako makapag next post.




something infiniteLy interesting

Sunday, November 25, 2018

Project CKGA, MWPJ Ep 5

Nag-submit kami sa church ng mga final requirement - banns, permission to marry, and list ng Principal Sponsors and their address.

While waiting for our ride (aka jeep pa-SM Molino)

Me: Yeey na-submit na natin!

Him: Yeey! (sabay kiss sa kamay ko)

Me:** (kilig)**


something infiniteLy interesting

Friday, November 23, 2018

Saturday, November 10, 2018

Project CKGA, MWPJ Ep 4

Totoo ba 'to? Chill lang ako ngayon at walang hinahabol na dapat tapusin?! Slow clap! 

Tapos na kami sa documents. Naipasa narin namin sa church. Ang pending na lang namin is yung listahan ng Principal Sponsors and their addresses. 

Isa sa pinaka struggle sakin ang manghingi ng measurement ng mga abay. 42 days to go, wala pa rin yung sukat ng maid-of-honor. 

Eto pala yung mga una kong pinagpilian na dress:



Pinag-vote ko sila. Ayun, napili nila yung least like ko. So, scratch lahat. Humanap ako ulit ng iba. Ginawa ko na lang peg yung mga nakikita kong neoprene dresses. Like this one:



May something similar din sa Celest' ~ local brand and cheaper than Apartment 8 kaso, ang tatangkad ng abay ko - di keri ang RTW sa kanila. 

So, nag inquire na ko dito sa kapitbahay namin mananahi. Tinanggap nya naman kahit less than 3 months away na lang. Malapit na mag monthsary yung pag-request ko ng measurement nila. Buti naman nakapag submit na yung iba.

Pero nahirapan din ako mag book ng appointment with my OTD, super busy nila, almost daily ang bookings nila. Nananalig naman ako na di nila ko papabayan. Puro good reviews naman sila sa W@w. 

Pero ang invitation namin, dito ako pinaka natagalan. Meron akong friends who can make invites, pero ayaw ko kasi humingi ng discount. Haha. So nung may nag post sa W@wies na mura lang, gnrab ko na. 
Ayun, tulad ko, maraming nag book sa kanya. Mukhang na-overwhelm si supplier sa demand. And sa  pagka-arte and detail-oriented, inabot kami ng ilang weeks. Plus yung mga revisions sa names ng entourage. Nakakaloka! And no, hindi pa rin sya tapos til now. Para matapos na agad, ako na nagsasabi ng font face name, at nagbibigay ng hex code ng kulay na gusto ko. Hindi ko alam kung ikinakadali ba ng buhay ni supplier yun, or naasar sya like - "oh 'di ikaw na ma'am!!" Kung marunong lang ako mag Photoshop, baka nga ako na lang gumawa. 

Dito na muna. Gising na cocol-mate ko.

Balik bridechilla slash bridedoublechinna.








something infiniteLy interesting

Tuesday, October 16, 2018

Project CKGA, MWPJ Ep 3

Nag apply kami ng Marriage License about 2 weeks ago. Bukod sa mga requirement na need to bring, personally dapat i-fill out yung Marriage License Application Form kasi may interview pa sa Local Civil Registry. Every Thursday ng hapon lang yung Pre-Marriage Seminar sa munisipyo/DSWD samin. So sinabay na namin yung pag apply. May mga ibang couples na rin na nakapila. Yung naunang couple samin, medyo may eksena sila. Sabi ni madaam civil registrar (MCR), nag away daw ata yung couple. Pinakita samin yung form nila na super nilukot. Hindi ko alam kung sure ba sila sa gagawin nila or what not. Basta kami, decided kami, hinanda ko lahat ng requirement and nagdala ako ng sarili kong pen kasi alam ko ngang personal ang pag fill out ng forms. Apat na kopya ata yung sinulatan namin. Anyway, habang nagffillout kami sa desk ni MCR, medyo ini-interview na rin si Boss. Ako I had to make a quick kuha ng cedula. So by the time na nagsulat ako, finished na rin si boss.
Nung sinubmit na namin yung forms, tinanong ni MCR kung sa kanya daw ba yung pen na hawak ni boss.
Panda pen lang ito ah. Pero syempre nagdala ako ng sarili ko na galing naman talaga sa opis. So, kung nawala ni MCR yung pen, or nadampot nila previous couple (PC), ayaw ko i-give up yung pen na dala ko.
Kumbaga, naiinis ako sa mga ganon, yung alam mo naman na may aasikasuhin ka, pipirmahan etc, tapos di nagdadala ng pen, ID etc. So ayun, medyo nag rant ng mini si ate MCR, kesyo a few pieces for the whole year lang daw binibigay na supplies sa kanila. Pero di ako nagpatinag. Prinsipyo chenelyn, 'coz pnprepare ko yun.
Kinahapunan, nag umpisa na yung seminar sa DSWD. May introduction etc, nasa mga 10 + couples din. Andun nga rin yung nauna samin na couple samin na nag-away bago mag fillout ng form. Bati na rin sila and nagtatawanan. Nung introduction, nakita ko may hawak si ate girl PC na Panda pen! Aha! Gusto ko talaga sabihin kay MCR na -- ayun po yung pen na hinahanap nyo.

Finished.

Sana nga, yun na ang ending. Kaso, kinabukasan, pag open ko ng bag ko, 2 Panda Pens yung andun!

kthxbye




something infiniteLy interesting