Nag apply kami ng Marriage License about 2 weeks ago. Bukod sa mga requirement na need to bring, personally dapat i-fill out yung Marriage License Application Form kasi may interview pa sa Local Civil Registry. Every Thursday ng hapon lang yung Pre-Marriage Seminar sa munisipyo/DSWD samin. So sinabay na namin yung pag apply. May mga ibang couples na rin na nakapila. Yung naunang couple samin, medyo may eksena sila. Sabi ni madaam civil registrar (MCR), nag away daw ata yung couple. Pinakita samin yung form nila na super nilukot. Hindi ko alam kung sure ba sila sa gagawin nila or what not. Basta kami, decided kami, hinanda ko lahat ng requirement and nagdala ako ng sarili kong pen kasi alam ko ngang personal ang pag fill out ng forms. Apat na kopya ata yung sinulatan namin. Anyway, habang nagffillout kami sa desk ni MCR, medyo ini-interview na rin si Boss. Ako I had to make a quick kuha ng cedula. So by the time na nagsulat ako, finished na rin si boss.
Nung sinubmit na namin yung forms, tinanong ni MCR kung sa kanya daw ba yung pen na hawak ni boss.
Panda pen lang ito ah. Pero syempre nagdala ako ng sarili ko
na galing naman talaga sa opis. So, kung nawala ni MCR yung pen, or nadampot nila previous couple (PC), ayaw ko i-give up yung pen na dala ko.
Kumbaga, naiinis ako sa mga ganon, yung alam mo naman na may aasikasuhin ka, pipirmahan etc, tapos di nagdadala ng pen, ID etc. So ayun, medyo nag rant ng mini si ate MCR, kesyo a few pieces for the whole year lang daw binibigay na supplies sa kanila. Pero di ako nagpatinag. Prinsipyo chenelyn, 'coz pnprepare ko yun.
Kinahapunan, nag umpisa na yung seminar sa DSWD. May introduction etc, nasa mga 10 + couples din. Andun nga rin yung nauna samin na couple samin na nag-away bago mag fillout ng form. Bati na rin sila and nagtatawanan. Nung introduction, nakita ko may hawak si ate girl PC na Panda pen! Aha! Gusto ko talaga sabihin kay MCR na -- ayun po yung pen na hinahanap nyo.
Finished.
Sana nga, yun na ang ending. Kaso, kinabukasan, pag open ko ng bag ko, 2 Panda Pens yung andun!
kthxbye
something infiniteLy interesting
hahahahahahah
ReplyDelete