Monday, September 15, 2008

si manong konduktor ng jasper jean

okei, may kwento ko,, nakwento ko na to sa iba kong friends tsaka sa ate ko, sa mga officemates ko, and basta yun, madami na ko napagkwentuhan actually, pero kung di ko pa to nakkwento sayo,this is the moment! hahaha =p
ayun, pagpapasok ako sa trabaho, sa SLEX ako usually dumadaan, pero nung isang beses mga friends ko nasa Robinson's palapala, so dumaan muna ko dun para makapagpa-picture sila sa kin,, (haha ambisyosa) ayun, tapos nung papasok na ko, sakay akong bus sa aguinaldo hwy sa palapala, Jasper Jean na bus yung nasakyan ko, anlamig pa kasi konti pa lang tao sa bus,,

Php 51.00 yung pamasahe papuntang Ayala, naningil na agad yung driver nung pagkaandar nung bus, konti pa lang sakay.. eh wala akong 50 pesos so, Php101.00 binayad ko para sakto Php50 din isusukli nya,, ayun,, tapos andar andar na yung bus, dumami na yung sakay edi syempre madami na yung nagbayad.. di ako makatulog sa bus kasi hinihintay ko yung sukli ko..

tapos minsan kapag dumadaan si manong konduktor tinitingnan ko yung pera sa kamay nya, tapos tinatanong ko yung sukli ko,, kasi sigurado may panukli na nun sya sakin, gusto ko na matulog at sayang oras.. ayun, di nya binibigay sa kin, nagh-hand gesture lang sya na "sandali lang" tapos nung bandang nasa Pasay rotonda na, nag-ask ulet ako for the nth time ng sukli ko..

aba naman! sabi sa kin nabigay nya na daw! (wala akong memory laps ng panahong ito!)

nag pintig agad tenga ko,, kasi earlier in that bus ,, may manong pasahero na nag-ask din ata ng sukli tapos medyo nag-argue sila kasi sabi ni konduktor nabigay na something something,, di ko alam exact issue kasi iniisip ko niloloko ni manong pasahero si manong konduktor..

ayun nga.. sabi din sa kin nabigay nya na daw:

me:kuya yung sukli ko po.

Manong Konduktor (MK): nabigay ko na ah

me:kuya hindi pa po

MK: nabigay ko na,, halos lahat nabigyan ko na (with mathing turo turo sa ibang pasahero na nasuklian na nya)

me:kuya wala pa nga po.. (madilim na paningin ko)
MK: nabigay ko na, tingnan mo

me: wala pa nga po

(please repeat last two dialogue for about 347239410 times)


MK: tingnan mo muna

me: wala pa nga po!!

chenes chenes,,, basta hanggang sa super kumukulo na yung dugo ko (para sa fifty pesos)

me: ang kapal naman ng mukha mo, pinagpipilitan mo dyan.. (chenes chenes , i forgot my script nung mga panahong ito)

MK (kalmado,sanay sa raket nya): miss di ko kayo papansinin dyan, nabigay ko na (chenes chenes i forgot na yung script nya)
ate na katabi ko sa bus: kunin mo yung pangalan nung konduktor (which i was planning to do already)
edi nagpunta ko sa driver, sabi ko

me: manong ano pong pangalan ng konduktor nyo?

(may hawak akong papel at pen)
Manong Driver (MD): bakit?

me: pinagpipilitan nya po kasi na nasuklian nya na ko, pero di nya pa po nabigay (sumbungera ba?)

MD (calling out to MK): pssst chenelyn! lika nga

(paglapit ng MK).. ano daw yung sukli nya..

MK: sabi ko lang naman tingnan nya muna,

me:sabi ko nga wala e!

MK:magsasabi agad ng masama.....

me:anong sinabi ko?

MK:"ang kapal naman ng mukha mo" .. ang sabi ko lang naman tingnan mo,..

(i felt guilty na na-hurt ba sya dun? diba ang bait, ako na nga niloko nagalala pa ko sa kanya)

me:ayusin mo kasi trabaho mo para di ka nasasabihan!

..di ko pa natatapos sentence ko inabutan nya na ko ng Php50.00

so tumahimik na ko, pero gusto ko pa din kunin yung ID nung ungas na yun! as in talaga iniisip ko na sana mawalan sya ng trabaho, kasi iniisip ko palagi nya yun ginagawa sa pasahero nya..syempre isa ko sa mga unang sakay kaya walang mag side sa kin na,, "oo di mo pa nabigyan" as if naman di ba na eeksena yung ibang mga pasahero sa bus..
ayun,,kahit fifty pesos lang yan, nag init ulo ko talaga kasi naman talaga,, mga two weeks before this incident, may naganap na almost the same scenario, but characters are different!
sige, next time ko na i-blog ang "prequel" at nuod muna ko gossip girl..

something infiniteLy interesting