Tapos na kami sa documents. Naipasa narin namin sa church. Ang pending na lang namin is yung listahan ng Principal Sponsors and their addresses.
Isa sa pinaka struggle sakin ang manghingi ng measurement ng mga abay. 42 days to go, wala pa rin yung sukat ng maid-of-honor.
Eto pala yung mga una kong pinagpilian na dress:
Pinag-vote ko sila. Ayun, napili nila yung least like ko. So, scratch lahat. Humanap ako ulit ng iba. Ginawa ko na lang peg yung mga nakikita kong neoprene dresses. Like this one:
May something similar din sa Celest' ~ local brand and cheaper than Apartment 8 kaso, ang tatangkad ng abay ko - di keri ang RTW sa kanila.
So, nag inquire na ko dito sa kapitbahay namin mananahi. Tinanggap nya naman kahit less than 3 months away na lang. Malapit na mag monthsary yung pag-request ko ng measurement nila. Buti naman nakapag submit na yung iba.
Pero nahirapan din ako mag book ng appointment with my OTD, super busy nila, almost daily ang bookings nila. Nananalig naman ako na di nila ko papabayan. Puro good reviews naman sila sa W@w.
Pero ang invitation namin, dito ako pinaka natagalan. Meron akong friends who can make invites, pero ayaw ko kasi humingi ng discount. Haha. So nung may nag post sa W@wies na mura lang, gnrab ko na.
Ayun, tulad ko, maraming nag book sa kanya. Mukhang na-overwhelm si supplier sa demand. And sa pagka-arte and detail-oriented, inabot kami ng ilang weeks. Plus yung mga revisions sa names ng entourage. Nakakaloka! And no, hindi pa rin sya tapos til now. Para matapos na agad, ako na nagsasabi ng font face name, at nagbibigay ng hex code ng kulay na gusto ko. Hindi ko alam kung ikinakadali ba ng buhay ni supplier yun, or naasar sya like - "oh 'di ikaw na ma'am!!" Kung marunong lang ako mag Photoshop, baka nga ako na lang gumawa.
Dito na muna. Gising na cocol-mate ko.
Balik bridechilla slash bridedoublechinna.
something infiniteLy interesting



No comments:
Post a Comment