2013, First trip namin together at amateur pa ko mag plan ng itinerary.
Ang ganda sa Camotes Islands. Proud ako sa mga pag commute namin sa ibang lugar, pero ito medyo asar na asar ako, 'til now.
So from Cebu City, nag van lang kami to Danao. Pagbaba ng van kagulo mga tryk/pedical driver dinumog mga pasahero. Medyo na-disorient ako sakanila. Pero ayun may kinausap kaming isa, and ihatid kami sa port - kontrata P150. NAPAKA LAPIT NG BINABAAN NAMIN NG VAN SA PORT!! I made Google just now, 'di ko tanda if mismo ba sa terminal kami binaba, pero nasa mga 700 meters lang terminal to port.
Anyway nakarating naman kami sa Camotes Islands and may guide na I made arrangements with. Hindi ko lang natanong prior yung duration ng island tour. So, yung whole day trip, pinagkasya namin sa halfday. Sayang, di namin na-enjoy yung ibang stops nang matagal and as usual nag LQ pa kami. Naiwan nya kasi swimming shorts - ayun nga rin issue pa kasi sakin, di ko rin sya na-brief kasi nga ako plan nang plan, basta sumama lang sya lol. Charge to experience.
Medyo nakwento ko na pala to sa Camotes post ko. Pero ayun, medyo proud lang ako how far I've come when it comes sa pag plan ng mga lakad now.
At dahil 'di nga namin na sulit, sana makabalik kami. Looking forward kasama mga kaladkarin friends, same people on our Dumaguete x Siquijor trip.
Haaaay, pandemic please be over soon!
something infiniteLy interesting
No comments:
Post a Comment