Wala ako maisip na title. Wala rin naman ako maisip na ipost, but I still feel somehow, this is my safe space, kaya dito na lang ako hahanash.
Gusto ko nang tumakas!
I feel so trapped, kasi maganda yung ano, pero yung ano sobrang ano. Hay :(
Magkukwento na lang ako tungkol kay bb.
Nag sayaw ng Head, Shoulder, knees and toes, pero yung arms nya hangang kilikili lang lol. Ang cute nya, para syang naka stance as if nanggagaya ng manok/chicken wings.
Tapos sa part na "eyes and ears, and mouth, and nose" parang buong mukha tinuro nya haha sayang di ko na videohan. Pero okay lang pala, live ko na witness and not holding my phone at the time.
Pero kagabi mabaliw baliw na naman ako, kasi not feeling well sya, and di makahanap pwesto. I was angry, not at him but with the situation.
Like, puyatan na naman??
Haay sana di na lang sila nagkakasakit.
And sana mas nurturing and comforting ako as a mother. Iinis ako sa sarili ko, and puro guilt kasi nga di ko sya ma comfort. Nauna pa nga yata ako naka tulog! Fail.
Hirap ng parenthood! Thanks sa parents ko, umabot pa ng 4 lol.
Hay. I miss you mommy. Napapanaginipan ko pa rin kayo ni Lola palagi (sorry lolo, pero naalala ko nung death anniv mo, kahit matagal na)
Yun lang muna and this random photo..
Bat yan napili, antaba namin
Hay oh well

No comments:
Post a Comment