Saturday, May 16, 2020

Lockdown Meal Plan at iba pang Kwentong Ulam


051620sat210710

Nung binalita na magto-total lockdown sa barangay namin, medyo nag panic ako kasi nga mahirap na mamili ng pagkain, higit pang hihirap. "Higit" lol ~ nagagamit mo pa ba tong word na to? I did recently. Nag part time volunteer ako and our task was to translate a Covid-19 survey from English to Tagalog. 
Segue agad. Going back. Lockdown - so inspired by wais na momshie Mrs Jenna V, gumawa rin ako meal plan namin for the week because bawal lumabas during the lockdown period. Ideally ~ as to why some of my kapitbahays are palabaslabas pa rin, I will never know.

Mostly nasunod naman yung meal plan namin. Minsan lang dami natitira kaya umaabot pa ng mga 2 more meals na same ulam namin. Tiis muna. Eto ah feeling ko lang maarte si boss sa pag ulit ng ulam. Pero 'di nya yon aaminin. 

Ang sarap nung buttered shrimp! Naalala ko na naman. Medyo spicy pa sya. Si Boss kasi nagluluto taga kain lang ako and taga hugas ng plato. 
Nagluto ako minsan, ayun dami natira kasi 'di masarap hahahuhu. Pati yung mga pusa, 'di pinatos eh. 

Ang konti ng gulay sa meal plan namin. I love gulay pa man din. Pero si boss di shado mahilig. Kasama yun sa mga pinamalengke, pero ang dami mag go bad, kaya minsan iniiwasan ko na rin i-stock.

Inextend pa nila yung lockdown, pero parang 'di naman nafflatten ang curve. And meron lang kaming 1 day to replenish our stock. Mabuti na lang kapitbahay ko lang si k'P huhu. Iba ang convenience na naidulot nito samin. So nakikisabay lang ako pag nag ggrocery sya. Sa likod ako umuupo, y'know, physical distancing. 


May ganon pa kami nalalaman pero kinakain rin namin mga bigay nilang food dahil madalas sobra luto/order ni Joyce - pasta, donuts, pizza, etc. 




Mukhang matagal tagal pa 'to 'no? Miss ko na nga umuwi sa kila Mommy and Bulacan e. Sana 'd ko ma jinx, pero I'm grateful sa quarantine peace streak namin mag-asawa. Haha! Hindi pa kami nagkaka major buwisitan simula nung quarantine.
But still, I hope magkaron na ng vaccine. I hope mas maging responsible na lahat nang tao kapag lumalabas and nakiki interact sa iba. 
Let's stay safe and hopeful. 








something infiniteLy interesting

No comments:

Post a Comment