Monday, March 21, 2016

#TeamGranny0320

TEAM GRANNY: Jhell and Khaz’s Birthday Outreach

Journey to the partehhh

Dati ko pa naisip na pag nagka anak na ko, pag birthday celebrate ko sila sa orphanage. Then I thought why wait pa. Nag search ako sa forum relating to outreach program. Tahanan ni Maria ang una kong nabasang foundation. Akala ko center for women sya, lol literal lang, may ”Maria” kasi ;p Then I found out na home for the aged sya. Medyo nagulat ako, kasi parang sign nya! That week kasi, ilang beses ko napapanaginipan lolo and lola ko. Sakanila ko lumaki, so this is really close to my heart.
Gusto ko sana talaga April 2nd to gawin, coz I always celebrate my birthday sa same day.  When I mentioned this to my friends, ate Erliza asked na mag joint birthday celebration kami. March 1st naman sya. Madami din agad nagsabi na gusto nila mag participate, it made me really happy.
So nag start ako mag research online about Tahanan ni Maria. I found a few numbers and called them. Nakausap ko si sister Dory, center head ng Tahanan ni Maria. Ang gaan sa loob nya kausap. Basta something about the way we spoke made me feel na what I’m doing is good. Na-inspire ako, gusto ko talaga to matuloy. But I also found out ang head count, 26 lolas, 12 lolos and 30 staff. Kinabahan talaga ko, what if di namin to ma pull off. Hindi pa ko nagpa pencil nun to block the date ~ March 19th sana una plan. Dami ko worries ~ magkano gagastusin sa food, ano matitirang pwede i-donate? Syempre ang nasa isip ko, di namin kaya ni Jhell shoulder lahat, at mga few friends kahit mag pool ng money baka di rin umabot. Bumalik ako sa Facebook para dito ah! Para makapag source ng funds. Haha.


Mali yung nasa Google Maps, eto tama, along Alfarez Ave 




Mahirap pala talaga! Mahirap manghingi ng funds, mag plan and mag execute. Natatakot kasi ko mag fail at masayang oras nila lolo’t lola samin. Ang dami ko kasi gusto mangyari – loot bags, merienda, gift for the home, and at some point, gusto ko may videoke and photobooth hahahaha. San ako kukuha ng pera diba?
And then the first donation came, thanks Fahad. Turning point talaga yun. Galing Dubai pa ang unang donashon. Na lift ang spirit ko; na-feel ko na susuportahan naman ako ng friends ko and we can do this! Nung may onting funds na kami, nag schedule na ko ng trip to Divisoria. Buti sinamahan ako ng mga indays ko ~ Stef and Anjo. Sa kakaisip ko ng mga gusto kong mabili at mailagay sa loot bag nila, di ko naisip agad byahe/commute from DV pauwi. Mahirap! Huwag tularan! Kamusta naman sa min 3 mga inday, bitbit 40 pcs paperbags(yung thick/matigas kind), 38 pairs of tsinelas, 4 dozens na suklay, 4 dozens toothbrush and 38 pcs na facetowels. Nakauwi naman ako ng maayos – sa apartment ni Ali muna iniwan mga gifts.
Salamat sa bosskoh at may katulong ako ayusin mga lootbags. Ang sakit sa likod di kaya nang isang araw lang. Buti na lang din maluwag room nya at may pwesto ang mga paperbags.
Sabe ko okay na ko na ganon, loot bags, merienda, and kung ano pa yung mga darating,since may nag pledge naman ng groceries and medicines.
At nagtuloy tuloy ang dating ng mga pledges nila! Nakaka overwhelm talaga. Kada may dumarating, feeling ko ako yung niregaluhan. Kininilig talaga ko. I asked a lot from my friends sa totoo lang, minsan may kasamang guilt trip ;p Mali yon! Again, huwag tularan. I asked na mag driver sila (Alabang-Carmona-Alabang), mag emcee at mag talent portion. So thanks at pumayag kayo. It means a lot to me, Doe, Ekha/Kenneth, Devy, Jusyl /Mike and Tata Dear. Unfortunately di naka dalo sila Jusyl and Mike.
Buti ang tita ni Jhell ay nag ccatering business. Medyo inasa ko na lahat ng anything to do with food kay Jhell. Haha. Another tita naman ni Jhell may water refilling station – so naka discount na din kami inumin!
So birthday party nga to, gusto ko magka party feel sila lolo and lola kaya pinush ko yung mga party-ish details: Party “hats” ~ flower crowns for lolas irl, games and prizes, and yung balloons. Luckily I have a friend who has party balloons for business. Nilibre ako ni Wendi ng balloon decorations!! And so pretty ng gawa nila. I wanted it to be super simple lang kasi yaw ko na rin pagkagastusan. Di nya na ko chinarge, pero ang ganda pa din ng set up! Thanks Mr. and Mrs. Baronda.
Alam nyo yung sabe nila na “positive problem”? We had it habang pinaplano to. Pnproblema ko service ng mga pupunta ~ it only means madami gusto umattend. Pnroblema ko din kung san lalagay mga donation ~ it only means madami nagbigay. At sobrang dami talaga. Nung day na mismo yun ko nakita na overflowing support talaga. Super dami boxes of grocery items, sako sako ng bigas, gamot, clothes and even shoes. Jhell and I have super generous friends!

Oo na toothbrus





Putla gift tags, kasalanan ng monitor ko





Party day

Para kong wallflower! Muntanga. Isa sa mga staff ng home, si ma’am Susie ang nag guide/host ng party. Medyo magulo sa umpisa kasi may dumating na rotary club bago kami mag start, isiningit sila saglit para mag bigay din. Di rin mashado na-follow yung flow ng program na ginawa ko. Pero (kahit may onting pagka control freak ako)it’s okay. We started wearing the flower crowns to the lolas na din.
Nag opening remarks si ma’am Susie to welcome us, Lolos and Lolas sang us the Happy Birthday song and ayun start na ng birthday party namin ni Jhell.
Tata Dear sang 2 beautiful songs ~ Close To You, and one of my current favorites Can’t Help Falling in Love. After ng songs nya, merienda time! Sarap ng luto ng tita ni Jhell. Favorite ko yung chicken kahit pa punung puno yung nguso ko ng breading crumbs tapos chika chika ko sa prends ko di ko alam. Haha chura mo Christian! Umorder din kami ng puto sa tita naman ni Jenna. Yummy too.
Nag games din kami ~ (walang kamatayang) Pinoy Henyo, Stop Dance and Name that Tune (song sya actually). Akala ko makiki party ibang staff, para sa kanila and sa min yung Pinoy henyo sana. Kahit pa on our way there lang ako nag prepare ng pahulaan words, mga kung ano lang talaga pumasok sa isip ko – pustiso (pang trial lang dapat), atis, kape, boots, Splash Island, Amor Powers, kuting, biik, lipstick, high heels, Macau, Yaya Dub etc.  Pero sila lolo/lola + us na lang naglaro. Mukhang praktisado din naman sila. May lolo na galing mag categorize, Kuting yung word na huhulaan nya, nung umabot sa “pusa -- pwede”  bonggels ng mga next guesses nya: Tiger, lion, jaguar – bobcat! Hahah ang galing, eventually nahulaan nya din ang word. Clap clap.
Aliw din ang Stop.Dance. Game na game sila lolo and lola. Nag level up pa mechanics, sasayaw habang walang tugtog at hihito habang meron. Nung last 3 pairs na lang, medyo mahirap, parang walang naaout. Til only 2 pairs, naka ilang stop na ko pero ang galing so it’s a tie nalang.
Last game ang Name The Song. I made a playlist sa spotify ng mix ng old songs and contemporary ones. Natutuwa ako pag mabilis nila nahuhulaan. I hope na-enjoy nila listening to the songs nung time nila. Magaganda songs in the 50s, 60s, and 70s. Nag enjoy din ako making that playlist.
We ended by giving lootbags to the lolos and lolas. Sana na-appreciate nila. Binigay na rin namin kay ma’am Susie yung scrapbook with the letters for the staff and also the money na na-collect namin.  And after that Jhell and I said a few words.

Open shelves 2nd floor, waiting ang goodies to be delivered,  thanks maam She and boss Erl

Ang program na di mashado na-achieve

Nag fold ako ng paper to serve as envelope, di kasi ako mashado nag expect, pero napuno sya!

Cute banner layout by Wendi

Hindi yan alak, wag kang ano!


















Hindi pa kita yung iba, mga clothes and shoes
Napaka mapagbigay na mga kaibigan!  Im so kilig!


Oh, e matatapos ba araw na to nang walang pag iinarte?!


Pinagbawalan ko talaga sarili ko na mag salita, pero kinaya ko naman. Di ako naiyak. Malapit ko na ma-perfect ang pag guard ng emotions ko. Haha. And since right now, I’m here lang sa bahay and it wouldn’t be embarrassing if I do get emotional, dito ko na lang sasabihin the things I wanted to say, some were written sa letter ko for the staff.
Close to my heart talaga tong activity na to. It would seem na kami yung nagbibigay sa home, but really we were just another group. Kung hindi kami nagpunta 3/20, another group would have probably set their activity sa home that day. What I’m trying to say is, mas may value and impact ito para samin kesa sa mga nasa home. Thank you lolos and lolas for teaching us to be more compassionate. Thank you sa mga staff for insipiring us. Like I said, laking lola ako, but I failed when I had the chance to take care of her. Nahihirapan akong balikan sya sa memory ko kasi guilt and regret lang nararamdaman ko.  That’s why sobrang special sa kin na eto yung unang name ng foundation na nabasa ko. That’s why I was so afraid to yet again fail. Sana nakita ng lola ko how much effort I put in dito. Kasi di na ko makakabawi sa kanya, so maybe, sa ibang lolo and lola na lang. I miss you lola. You’re one of my life’s greatest inspirations.


2 comments:

Jacqueline Uy said...

Awww. Nakaka inspire naman to :) Keep up the good work sis. You're a blessing to every granny :)

Christian Kathleen Gabales said...

Thank you sis! Im blessed with generous and supportive friends that allowed me to pull this off! :)