Monday, June 09, 2014

Boxing Adventure



So nag start mag boxing ang mga officemates ko few months back. At dahil inggitera ako nakisali din ako. Wala kasi talaga akong activities. Hindi ko naman kailangan magpa-payat, pero I'm out of shape talaga ~ like 3 minutes of jogging eh super panting na ko.

Una sa lahat, matagal (March) ko na talaga gusto sumali sa kanila, pero wala akong rubber shoes LOL - wala syang use (noon) para sa kin kaya hindi ako bumibili. Last rubbershoes ko ay 10 years ago na. Chucks na lang ang closest to rubbershoes na meron ako - which is super inappropriate for running/workout. Nag jogging kami ni Ali nang naka chucks ako, although that's a different story. LOL. So ayun nga wala akong sneakers, sabi ni Ali gift nya daw yung sneakers for my birthday (April). So hinintay ko muna shoesie before mag attempt punta Boxing Gym. Also, wala din ako mga workout clothes. I know kinda superficial ang mga problema ko sa buhay, pero ayun alangan naman mag boxing ako ng walang tamang shoes and clothes. Bumili na din kami gloves (Bullseye - Php 1100) and handwrap (K-sport Php300). So April may mga gear na ko :) Yehey!
We go to ELORDE Southbox sa Seaside Daang-hari. Sa Starmall Alabang, may mga multicab going to Molino, dun ako sumasakay to get to Seaside Daanghari. If coming from LP, I guess you can  just wait sa kanto ng Honda para sa mga dadaan papasok ng daanghari.




For walk-in/non-members Php 250 ang bayad per session - includes boxing trainer for an hour then use of the facilities hanggat gusto mo. Ewan na lang sa katawang lupa mo kung ilang oras mo gusto. Php 150 for members. Annual Membership fee is Php 700
They also offer Muay Thai and Kickboxing, but I dont remember the rates.

So when I started, na-set na ng friend ko expectation na may mga "routine". Jog muna, then stretching - trainer will guide you. Skip ropes. Jumping Jacks ~~ ayan mga ganon. At sabi ko nga Im so out of shape. I swear ang mga 3 min interval na mga yun, feels like 10 minutes to me!
Nagsawa si kuyang trainer sa tanong ko: "Kuya tapos na?". I then realized na may timer sa gym na na-set off every 3 minutes.



Can I just say, Speedball is my Flappy Bird! Hindi ko talaga makuha yung tamang lakas ng suntok and yung rhythm.


Nag enjoy naman ako kahit dalawang beses pa lang ako nakapag boxing LOL. Okay. Promise babalik na talaga ako!














something infiniteLy interesting

No comments: