Saturday, March 09, 2013

Your teenage crush, kamusta naman, crush-material pa rin ba?

Naku thanks GT'ers for interesting topics to write about. And I answered:

ayun si crush mula gr5 (may landing taglay) hanggang HS - cute pa din naman, and dati payatot sya, nag gym na si kuya, ok fit body :) 
kaso,, i dont know what he's been up to, kung nag work na ba, stable or what not, he's 5 years ahead of me,and i think when i was in college he was still in college, or went back to school for nursing,
baka nag soul searching pa si ex crush

I wanted to write so much more about him dahil super tagal ko syang crush. Itago nalang natin sa code name na "B.A" hahahaha. Natatawa ko sa mga kalokohan ko nung kabataan ko. Grade 5 ko sya unang naging crush at pinasagot ko sya sa slumbook ko. Grade 6 ako  4th year sya, pinasagot ko ulit sya sa slumbook ko. Selosa na pala ko nun kasi nung sinulat nya yung crush nya, na broken-hearted ako

Di ko na sya nakita masyado nung gumraduate sya. Nung nauso na ang celphone, naging textmates din kami for a bit. Making lame excuses to see each other pero di natuloy tuloy. Bibigyan nya dapat ako ng poster something ni Lara Croft dahil idol ko si Tomb Raider dati,, hahaha.. jusko! Natatawa ko mag isa dito habang sinusulat ko to.

May mga connection ako na kilala sya, at one time, nag set kami na magsimba together, hindi ko tanda kung kelan to, either 1st yr or 4th yr HS. Natupad naman yun, pero we barely spoke. Syempre simba nga,, simbang-landi! ODK hahahaha. Oh ayun eventually, may mga invitation ata sya na nag decline ako, kaya eventually nag conclude nalang sya na binasted ko daw sya. -- bakit ko sya b'basted'in e ultimate crush ko sya nun, tanga ba sya?! hahahaha. Pero at that time nga, I wasn't ready yet to have a boyfriend (may ganong level) - kasi naitanim sa utak ko na bawal mag landi pag wala pang 18.

Nauso Friendster, nagka boyfriend ako, single sya. Single ako, may jowa sya. As if naman magigiging kami kung sabay kaming single. Side story, nung kausuhan ng FS, may jowa akong seloso, pinabura sya sa kin sa FS, delete ko naman sya. Eh in-add nya ko ulit haha kinilig naman ako! Haha.
Kapanahunan ng FB add, greet pag bday, very very rare comments and likes sa posts. I only remember 1 instance of chat, nothing flirty - too breezy as if close kami :p ayun, friends pa din kami --sa FB haha.

Oh well. Parang panaginip lang. Siguro kaya ganon katagal kasi hindi naman talaga ko sa kanya may gusto, but to the idea of him. Hindi ko sya kilala masyado, so I imagine things, na kung ano sya, what's he like ganon.What it would be like talking to him, hanging out w/ him. So ayun. Ganyan talaga dapat pag bata. Gumawa ng kalokohan so you'll have something to laugh about in the future ♥




something infiniteLy interesting



1 comment:

Anonymous said...

like! :P